BE STRONG ∞
Shayne | 16 | College freshman | Benedictine | Bedan Belieber ♥
Be yourself. Have fun! :)

Volleyball.

Nagpractice kami kanina sa Union court. Puro taga-bene nga don kasi may mga lalake na nagbasketball din. Andun sa court si bebe ko, ex ko, hot crush ko, ex crush ko! Jusko lang! Ang temptasyon pumapaligid sakin kanina! =)))) 

Anyway, ang puchu puchu ko magvball! Hindi naman kasi talaga ako marunong. Kanina lang ako nakapaglaro talaga. Pero nakakatira naman ako. Kami nila Ayin, Ako, Hannah at Xel puro tawanan lang e. Yung iba seryoso na. Hahahaha!

4:30 umalis na kami don. Di nga kami masyado nagpansinan ni bebe kasi naglalaro kami pareho. Pagdating sa gate ng union namiss ko sia, kaya pinapunta ko siya don, sinundo niya ako, pumunta kami sa shakan. Haha. Tapos konting upo lang alis na ulit. XD Bawal kasi ako gabihin. Habang nasa shakan nga kami, dumating ex ko!! E ang gwapo nun, pero wala na akong nafeel na kaba. Keri lang. Awkward lang kasi ex tapos boyfriend. Hahaha. 5:30 umuwi nako. Masaya naman, lalo na nung kasama ko na si bebe. XD Sana sa sabado payagan pa ako. wew.



@KEVINSMCKIDD