
Like a G6! =)) Actually, ayoko naman talaga makipagaway. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Sa kilos, galawan, ugali, at pakikitungo niya sa ibang tao. In short, naiinis ako sa MISMONG SIYA. Ngayon parang mapipilitan pa akong makipagayos dahil ayokong madamay pa tong kaibigan ko na “mahal” niya daw. Duh! Basta kung ano man mangyari, bahala na. IM ZO EGZOIIYYYYYYTEEED! XD
yung tropa ko noon. Nabuo kami nung 2nd year dahil nagkasundo sundo kami sa kakulitan. Pare parehong mababaw ang kaligayahan. At iisa ang kinaiinisan. May kaklase kami non, feeling matanda. Doon kami inis na inis. hahaha! May bebe rin siya na kaklase rin namin at hanep makapagPDA sa room. Yung dalawa lagi naming topic. Minsan binabash namin mga teachers at iba pang tao na makita namin. Hahaha!
Dati nga tuwing counseling, dahil pwede maglipatan ng upuan, sama sama kami sa likod, isang hilera kami. Dont give a fck ang peg basta tabi tabi kami. Tapos may sarili kaming topic don. Or minsan, kami nagpapasimula ng ingay sa room. Haha :)
Sobrang tight namin non e, naisipan pa namin gumawa ng group arte laaang. Nung reunion ng section namin last last year, dun lang kami ulit na kumpleto. Tuwing gagala kasi kami, laging may kulang. Matik na yon, never kami nakumpleto. :)) Kahit sa room nga pag recess or lunch. Laging wala yung may lovelife.
Nakakamiss lang kasi ngayon hindi na kami masyadong tight. Naguusap usap pa naman pero hindi na katulad ng dati. May sari sariling buhay na. Yung iba may lovelife, yung iba nakikigo-with-the-flow na lang, yung iba dont-give-a-fuck na lang. Namimiss ko lang yung mga kulitan, tawanan, harutan at asaran namin. Sana mabalik yung dating samahan. Ito kasi yung grupo na hinding hindi ko makakalimutan e, sobrang tumatak sakin kasi sakanila ako mas nagpapakatotoo. Hay. Ang sarap lang balikan yung dati, yung masasaya, yung sama sama :)
Name ng section namin! :”> YEEESS! Unti unti ko na kayong nafefeel! Love love love. :”>
Leonard! 071712
Well. Me so pasaway talaga! Nagdala ako ng cellphone kasi pumunta ako nyan kila bebe after school. :)
Gumala Leonard sa union court nung wednesday. Akala kasi namin hindi na lalakas yung ulan kaso nagkamali kami. Pero enjoy naman. :) Biglaan din yung pagsama ko. Haha! Nakauwi at nakakain nga ako nang hindi gumagastos e. Hahaha. Hindi nga lang kami nakapaglaro ng volleyball. :( Ambagan sila sa pagkain. Fishball tsaka isaw lang kinain namin. Haha. 4:30 pumunta kami nila Xel, bebe tska ako kila Kevin. Tambay sana kami hanggang 5:30 kaso sobrang kinabahan ako. Bigla pang umulan ng malakas, P16 lang pera ko, tska magjejeep lang ako wala pang payong. wew. Haha. 5:10 ata yun, pumunta na ako kila Stefan, andun kasi Leonard, nagkasalubungan pa nga kami, hinahanap pala nila ako. Mga naligo na nga sa ulan e. Inggit meee. Bawal ako e, tsaka ayaw din ni bebe. :)) 10mins. discussion muna ata kasi di mapagdesisyonan kung pano pupunta sa sakayan kasi iisa lang payong namin, ang lakas ng ulan, ang dami pa namin. Hahaha! Late na nung nagbigay ng payong si Stefan. :)) 6pm ako nakauwi ng bahay, tricycle kami nila Ayin, Morris tsaka Mona. :) Buti na lang, ayoko rin magjeep, baka 7 pa ako makauwi, magkakasakit pa ako. :))
Dalawang araw na kami nagkakasama. :”“> Tapos sa bukas pupunta rin ako sa kanila. Hihihi. :) Exzooooiited me! Sana kasi lagi na lang! Hahahahaha!
Nagpractice kami kanina sa Union court. Puro taga-bene nga don kasi may mga lalake na nagbasketball din. Andun sa court si bebe ko, ex ko, hot crush ko, ex crush ko! Jusko lang! Ang temptasyon pumapaligid sakin kanina! =))))
Anyway, ang puchu puchu ko magvball! Hindi naman kasi talaga ako marunong. Kanina lang ako nakapaglaro talaga. Pero nakakatira naman ako. Kami nila Ayin, Ako, Hannah at Xel puro tawanan lang e. Yung iba seryoso na. Hahahaha!
4:30 umalis na kami don. Di nga kami masyado nagpansinan ni bebe kasi naglalaro kami pareho. Pagdating sa gate ng union namiss ko sia, kaya pinapunta ko siya don, sinundo niya ako, pumunta kami sa shakan. Haha. Tapos konting upo lang alis na ulit. XD Bawal kasi ako gabihin. Habang nasa shakan nga kami, dumating ex ko!! E ang gwapo nun, pero wala na akong nafeel na kaba. Keri lang. Awkward lang kasi ex tapos boyfriend. Hahaha. 5:30 umuwi nako. Masaya naman, lalo na nung kasama ko na si bebe. XD Sana sa sabado payagan pa ako. wew.

Me, Ayin, Zai, Xel, Hannah and Bea.
So kahapon nakila Hannah kami para magpakasaya. Hahaha! Friday naman kaya enjoy enjoy muna. Umuwi nga muna ako kasi kailangan ko sumabay sa service. -_- Tapos jumerbax muna ako bago pumunta sakanila. XD
Ayon gumawa kami ng mtv ng starships. On process pa siya. Hihi. Nakakaexcite na mapanuod! XD Nagpicture picture kami, basta! Puro kabaliwan lang. Hahahaha! Pero nung bandang uuwi na, nagkaiyakan. Ay si Ayin lang pala. May kapagkwentuhan kasi kami, about sa bf niya, ayun nag inaso. Nagselos pero sabi nia nung kumakain pa lang kami “Hindi ako selosa, sia ang seloso e” Luh. Haha.
Mga 6pm na kami umuwi. Napagalitan pa nga si Bea kaya di masyado magaslaw sa videos tska pics. :( Pero sana maulit yung kahapon! Kahit kaming anim lang, ang dami nang kabaliwan! :D
As usual bored nanaman sa thesis seminar. Ginaganahan lang kami kapag consultation kasi nakakapagdaldalan kami. Hahaha! Nung consulation kanina, magkakasama kami nila Ayin, Hannah, Zai, Xel, ako. Ang dami at ang e-epic ng mga usapan namin. Hahaha! Puro chismis at ka-L hmmm. ;) Nasita pa nga kami ni Mam Kim, kasi bigla kaming tumawa ng malakas, di na napigilan e. Hahaha! Habang nagkekwentuhan kami, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan! As in, ang sakit ng tiyan ko parang may tumutusok. Napatahimik nga ako kasi ang sakit talaga. Nung hindi ko na kaya, sinamahan ako ni Hannah sa cr. Tapos sumunod rin sila Xel at Ayin. Hahaha. Pero fail! Hangin at ihi lang lumabas sakin. =))
Nung maguwian na, dumiretso kami sa bahay nila Xel. Kasama F4 with Hannah. :) Tropang white nga kami kasi lahat kami kanina naka-white. Stiiig! Pinagmamadali ko nga sila Morris na pumunta na kila Xel kasi babagsak na ang bato sa katawan ko. :)) E bwiset to si Karl, habang naglalakad kami as in sinisigaw niya “Natatae! Nakaputi!” NAKAKAHIYA! Nasa likod pa naman namin crush ko. >< Pero ayos lang naman. Minumura ko na lang siya. :)) Pagdating kela Xel, diretso cr agad ako. :))
Nagpicture picture at nanuod muna kami ng movie, kaso umuwi agad si Hannah kasi may pupuntahan pa siya. So F4 nanaman naiwan doon. Tinapos naman namin yung movie kaso medyo di enjoy. Hahaha! Ang korni kasi. After manuod, wala pang nagbukas ng ilaw, at lakas trip to si morris, NANAKOT. Buti na lang nasa gitna ako ni Karl at Morris kaya confident ako. :)) Si Xel takot na takot kasi katabi niya pinsan niyang si Matt tapos sabi ko “Hala baka hindi na si Matt yang katabi mo! Baka hindi na siya yung tumatawa!” Tapos sumampa samin yung dalawa! Ako tawa ng tawa tapos di pa makahinga dahil sobrang bigat ni Xel at Matt. After nun mga wasted mukha namin. :)) Sobrang gubas. Tas umuwi na kami. Nilakad lang namin hanggang makauwi.
Pinagtripan pa ako nila Karl at Morris dahil sila na lang kasabay ko umuwi. Sa may parang gubat kami dumaan kasi doon may shortcut, tapos bigla nila akong tinakbuhan, nagtago sila tapos ako naiwang takot na takot. Nainis ako kaya nagdire-diretso na ako. :)) Pero mahal nila ako di nila ako natiis, bumalik sila tas hinatid pa ako malapit sa papasok ng subd namin :D
Tapos paguwi ko dito, nagmuni muni, tas dumating si CRUUUSH! Bespren siya ng ate ko, shet ang gwapooooo! :”“”> <3