
Feeling ko mahal ko pa siya, pero parang hindi na. Feeling ko kaya ko naman pag wala siya pero parang hindi e. Feeling ko di siya kawalan sakin pero parang mali ako..
Ganto lagi ako pag medyo ‘nagsasawa’ nako. Di ko na maintindihan nararamdaman ko. Or, di ko lang matanggap yung nararamdaman ko. Ang hirap kapag di mo alam kung ano dapat gawin e. Actually, kaya ko naman siyang iwan, pero ang dami na rin naming napagsamahan. Di naman niya ako niloko, sweet naman siya pero KULANG lang talaga. Alam mo yun, kulang sa care, kulang sa effort, kulang sa panliligaw, kulang sa PAGIGING BOYFRIEND. Ewan ko kung kulang ba siya or DEMANDING lang talaga ako..
Sabi ni ate “kapag ayaw ng mga kaibigan mo or ng maraming tao, hindi talaga para sayo. kasi sila, nakikita yung MALI, ikaw HINDI. Kaya makinig ka sa kanila” Ayaw kasi halos lahat ng kaibigan ko sa kanya para sakin, pero ako PUSH pa rin. Iniisip ko kasi lagi, “Pwede na to. Kesa naman lokohin ako” Alam ko mali yung PWEDE NA. Kasi dapat diba pag boyfriend, higit pa sa expected mo? Pero siya hindi e. Wala siya sa ineexpect ko pero di ko naman maiwan.
Ang iniisip ko kasi, wala nang magccare sakin, wala nang magmamahal sakin, wala nang iintindi sakin. Katulad nung life ko nung Third Year. 1 yr akong walang bf at super alone ung feeling. Yung kahit anjan naman mga kaibigan ko, iba pa rin pag may boyfriend. ANG IMMATURE KO NO? Alam ko. Siguro kung magpapayo ka man, sasabihin mo sakin wag muna ako magbf dahil di pa ako ready. Yun din kasi ipapayo ko sa sarili ko. Pero kailangan ko pa ng time para magawa yon. Sa ngayon, kailangan ko muna alamin at tanggapin yung nararamdaman ko. Minsan pwede naman maging selfish diba? Ayokong saktan sarili ko. Ayokong dumating sa point na hindi na ako naniniwala sa lalaki or sa love. Haaay. Ang drama ng post na to! Thank you kung nakaabot ka dito, TA naman po kung may advice ka. >:D<
Sooo, ang sweet sweet lang namin kahit medyo nagkakainisan. Pero nagkakabati rin naman agad. :)
After a week, nakatawag na ulit siya kanina!! Sobrang namiss ko lang talaga yung boses niya kahit super inuubo siya. :( Nakakapanibago lang yung araw na to kasi ANG DALDAL NAMIN PAREHO. Walang dull moments!! Puro tawa pa. :”) Binalikan namin yung moments nung hindi pa kami. Nag asaran sa mga nagkagusto sa amin. Sweet moments na kapag biglang nanahimik, biglang mag “i love you” :”“”) SWEET SHET!!
Him: Ay be minsan skype tayo.
Me: Ahsigeee. Oo, para makikita natin isa’t isa!
*plano plano about sa skype*
Me: Ay be may skype ka ba?
Him: Wala. Ikaw?
Me: Wala din *laughs* Takte lakas makaplano, pareho naman pala tayong wala. *laughs*
From 3:30pm to 9pm magkausap kami. Straight!! Nagkainisan nga muna kami bago matapos e, pero naging okay naman agad agad. :”“)
Super sweet niya lang talaga kanina. Graaaabe!! Sana talaga laging ganto. Ang sarap i-cherish yung mga ganitong moments. Sayang lang di pwede irecord yung convo namin. Huhu. I miss his voice agad.
Kilig na kilig ako pag tinatawag niya akong Bebe ko, Mahal, Babe, Baby ko. :”“”) <3
HAPPY! *u*
Inabangan namin ni bebe 12 am kanina e. And, ang galing! Kinaya niya. Maaga kasi lagi inaantok yun, ngayon kinaya niya talaga. :’) Kung ano ano na pinagsasabe ko sa kanya, wag lang siya makatulog e. Hahaha!
Nyway, siya pa talaga nagsabe kahapon na hintayin namin ung 12am. Hihihi. Dati kasi ako lagi nagsasabe non. Tsaka, ngayon na lang ulit namin naabutan 12, last 3 months namin, tinulugan nia ako. Bumawi ngayon at bawing bawi naman kasi supeeeer sweet niya!! Kahapon magkausap kami sa phone, as in bigla na lang siya naging super sweet!! Sweet naman siya lagi pero iba talaga yung kahapon. :’) Haggang mag12am kilig na kilig ako sa kanya. :”)
Nung 12am na, may sinend siya saking LOOOONG SWEET HEART-MELTING MESSAGE!! :”“”) ♥ Kilig na kilig ako e, Hindi nga ako nakatulog agad, sarap basahin ng paulit ulit e. :”)
Tapos kanina, pagkauwi ko nagusap agad kami sa phone tas ang sweet sweet ulit. :’) Medyo nagkainisan lang kanina kasi nawala ako sa mood, kakagising ko lang kasi tas may mga taong nanginis na sakin, ayon napasa ko saknya inis ko. Wahaha! Pero umokay naman agad. :”) After niya magreview at kumain, nagusap na ulit kami. Ang hyper hyper namin parehoooo. :”) Nakakakilig pag naririnig ko yung tawa niya. ♥.♥
Ang saya saya lang talaga ngayoooon! Kahit hindi kami nagkita super duper saya pariiin. :”) Ang swerte swerte swerte koooo! Eto na lagi sinasabe pag monthsary dabaa “5 months down, forever to goooo!” =))) :”“)
I loooove you John Peter Bañaga!! ♥.♥
Actually, dapat talaga di na’ko pupunta, kung hindi lang magsisilaro mga kaibigan ko. Hahaha. Well, I’m so proud of Hannah :) Panalo siya sa Badminton kahit medyo pumalya sa huli. And for ex crush, wawa di nanalo sa darts. Ay. :)) For ayin naman, proud parin kasi ang ganda ng outfit niya for volleyball kaso dissappointed ako sa laro!! Minadali kase e, siya lang hindi nakapasok. Bwisit!
Anyway, medyo boring lang yung intrams ngayon. Nagkwentuhan nalang kami eh. Haha! Marami rin akong nalaman sa kaklase kong si Renz, pang MMK pala buhay non. Haha :) Hm, naging active lang ang crowd nung basketball na. Todo cheer sa classmates, friends, crushes and boyfriends eh. :D
12:30 na kami pinalabas, after non, pumunta nko kila bebe. :”“”) Eto lang naman talaga hinihintay ko ngayon araw e, yung makasama siya. :”“) Pero kulang parin talaga ang 5 hours :( Well, thankful na rin kasi kahit papano nagkita after all those arguments this week. Hay! Pahinga kami ngayon jan. :”)
Kahapon..
After exam, dumiretso ako sa kanila. :”) Syempre, nambulabog nanaman ako doon sa bahay nila. hahaha! Andon nga si Baby Ken e. :”) Yung baby nilang kapitbahay na super cuuute! Sobrang saya lang namin kahapon, hahaha! Puro tawanan, kwentuhan, kulitan, asaran. :”) Halatang namiss niya ako e. Ay. Hahaha! Mga 5:30 na ako umuwi, hinatid ako nila Kev kaya walang gastos. :D
Today..
Dahil wala kaming pasok, wala naman akong gagawin dito kaya gumora na uli ako sa kanila. :’) 1pm na ako nakarating kasi hinintay ko pa mga kapatid ko. Tas pagdating doon, andon ulit si Baby Ken ♥ Ayaw nga lumapit sakin kasi di ako kilala e. Hahaha! Super bonding uli kami ni bebe :”) Ang sweet sweet sweet niya! Ang saya pa kasama kahit mapangasar! Haha. Kinikiss niya yung kili kili ko, bango daw kasi. ♥ Nagmerienda ako don then uwi na. Mas maaga uwi ko ngayon kasi di ako nagpaalam. =))
Ang saya saya saya ko lang ngayon! Parang walang iniintinding problema. :”) Sana laging ganto. Wala na akong pakielam sa paligid ko e, basta kasama ko siya masayang masaya ako. :’) I love love love him!!! 2 weeks nalang 5th na! ♥
Sa wakas natapos rin exam! Hahahhaha.
Syempre nagkita kami ni bebe. :”) Nagkwentuhan muna kami ni Xel sa bahay nila kasi nasa school pa si bebe, tagal makauwi. At nakakawindang lang nung mga napagkwentuhan namin. AS IN. Mga 1:30 na kami nagkita ni bebe, si Xel kasi e. Hahaha! Ang cute lang ni Ken, yung baby don kila bebe. :) Ang taba taba, tas sumasama pa sakin. Hihi. Muka lang kaming happy family kanina. ♥
Mga 4pm lumabas na kami ni bebe, maglalaro na kasi sila. Punta kaming Senate, e ang tagal makipag-negotiate (wow!) nung kalaban. Hindi na natuloy tsaka may naglaro na rin kasi. 5:30pm umuwi nako, inabot pa ng malakas na ulan kaya sa Senate na ako sumakay.
Iba yung saya ngayon :”) Sana sa Friday magkita kami. 17 yon! 3rd month ♥
Kahapon nag away kami kasi nag inaso ako. Dapat kasi kahapon pumunta na lang ako sa kanila kaso di ko nagawa. Pag uwi ko, nawala ako sa mood kasi di nanaman nga kami magkikita. Nung una natitiis ko pa. E habang katext ko siya, parang ang tamlay kaya nabadtrip nko. Tinulog ko na lang muna. 6 hrs nga tulog ko sa sobrang ayokong mamiss siya. Tuwing natutulog ko lang kasi hindi nagagawa yun. Pagkagising ko pinatawag ko siya, ewan ko ba pero bigla nanaman ako nainis kasi wala kami mapagusapan. Hirap kapag sabay kaming sabaw. :(
Me: kakain muna ako.
Him: Sige. Bye.
Me: Bye *walang iloveyou*
Tas di nagtext pagkababa ko ng cp. Kumain nako tas hindi ko siya tinetext kasi nababadtrip nga ako. Tapos ayon, nagalit na siya. Mga 11 na ata kami nagkaayos kagabe. Bigla siyang nagtext “Be, I love you >:*<” Edi ako super kiligzz :”) Tapos ayon okay na kami. 3am na nga kami natulog eh, kung hindi ko pa siya natulugan baka hanggang 5am kami. Haha.
Tapos kanina, sabe ko kakain muna ako. Tas kumain ako, maya maya hindi na siya nagtext. Nawalan ng signal bigla cp ko. Hinayaan ko lang. 30mins ata nakalipas nagtext na ako “tagal kumain.” tsaka “be?” Pero wala parin. Pagkaonline ko nakita ko na lang sa twitter niya na AKO PALA HINDI NAGTETEXT. wow. Sorry naman, kasalanan ko na pala mawalan ng signal. -__-
Ilang beses na ako nagtext ng Sorry wala parin. Di nagrereply. Away nanaman! >< :( Di ko alam gagawin ko. Kanina pa ako umiiyak nyemas. </3

Sa sobrang badtrip ko kagabi, naghanap ako ng online tas minura ko. Hahahaha! E si Karl lang yung online na pwede kong murahin. :))
Nag away kasi kami. Pagkauwi ko, wala ako sa mood kasi nga nababadtrip ako di ko siya makikita ngayon. Edi natulog muna ako. Tas pagkagising ko okay okay na kame. Tas maya maya bigla nanaman ako nabadtrip. Sabe niya kasi “Tatawag pa ba ako. Baka mamaya hindi ka nanaman magsalita” E nainis ako. Nakkabadtrip parang ayaw niya ako kausap. Nawala nanaman ako sa mood tas sabe ko “ay baka nga. sige wag na lang” Tas tinanong nia ako “Bt ganyan ka na be, lagi ka na lang wala sa mood” DUUHH. Kahapon na lang ulit ako nag inaso, tsaka may dahilan naman ako. BADTRIP. Nagbasa muna ako ng libro, pampakalma. Hahaha! Pero bago rin ako matulog nagsorry rin ako. PUTA DI KO MATIIS E. :( Pero ngayon okay na kami. Haha. Sana di na ako mag inasooooo. Ayoko nang nag aaway kami.