

May mga tao talagang balik nang balik sa taong mahal nila kahit nagpapakatanga sila or pinaglalaruan na lang sila. Yung tipong kahit ilang beses na silang itaboy or paglaruan, isang text or sabi lang nung mahal nila na bumalik sila, gora na agad. Kahit ano pang kasalanan nung taong mahal nila mapapatawad at mapapatawad nila yun. Babalewalain lahat ng sakit na naramdaman para lang makasama ulit yung taong mahal nila. Kahit alam nilang hindi na tama, kahit sobrang sakit na, kahit ilang beses na sila nasabihan ng tanga at gago babalikan pa rin nila yon.
Bakit? Isa lang sagot dyan, “MAHAL KO E”
Wala, ganon talaga kapag sobrang nagmahal. Hindi na naiisip yung sarili. Bahala na kung masaktan, magpakatanga, at maloko basta makasama parin nila yung taong mahal nila. Di mo rin sila masisi e, damdamin nila yon. Mahirap pigilan. Hindi madaling iwanan o kalimutan yung taong nagpapasaya sa’yo. Pero minsan, kailangan isipin din yung kapakanan. Isipin yung tama at mali. Isipin yung kahihinatnan nang lahat ng pagsasacrifice at pagpapakatanga. Deserve ba nung taong yon yung luha, oras at pagpapatawad mo? Naging better person ka ba nung kapiling mo siya o naligaw ka lang ng landas?
Tanungin mo sarili mo. Hindi lahat ng nagpapasaya sa’yo ay tama. Hindi mo rin deserve ang maging RESERVE lang ng tao. Espesyal ka, dapat PINAPAHALAGAHAN KA.