
Nakakainis lang yung mga tao na wagas makapanglait. Kahit sabihin pa nilang biro, minsan kasi masakit na. Sa una, kaya mo pa yang sakyan. Kaya mo pang sabayan pagtawa nila sa panlalait sayo, pero pag sila sumobra, ikaw ang sasalo nung sakit.
May mga tao kasi na kayang tiisin yon. Iintindihin niya kahit alam niyang nakakasakit na yung mga sinasabi sa kanya. Ayaw niya kasing masabihang mababaw. Ayaw niyang masabihang sensitive. Ayaw niyang dahil don, magkainisan sila sila. Umiiwas na lang siya or nakikitawa kahit di na nakakatawa. Ang masakit pa don, yung mismong mga kaibigan niya ang gumagawa sa kanya non. How nice diba.
“Tunay kang kaibigan kung mas marami ang lait at mura kesa sa papuri mo”
Tunay na kaibigan ba yon? Oo, biruan yon. Pero kahit nkikisakay siya sa trip na ganon, minsan sumosobra na rin. Minsan masakit na rin. Hindi lang niya pinapahalatang naiinis siya para wala nang issue. Oo, nanlalait siya pero kapag alam niyang sobra na, titigil na siya. Kasi alam niya yung feeling na yon. Oo, nagmumura siya pero mas masakit pa yung lait kesa sa mura e.
Oo, tinitiis niya, kaibigan niya yun e. Intindihin na lang tsaka biruan lang naman kasi. Sana lang maging sensitive yung mga kaibigan niya sa bagay na yon. Sana makaramdam sila. Wag manhid friend. :)
/that’s life

I often sit back and recall those great events we shared together but just now I realized, it wasn’t the events that are great. It’s the thought that in most of my happy moments, are the moments you were there. ♥
Mas masarap kasi matulog kapag boses ng mahal mo narinig mo bago ka pumikit. Boses niya na sinasabi “Sige, goodnight. Tulog ka na ah? I love you” Nakakatunaw yuuuun! :”>